November 24, 2024

9 na miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group-ISIS arestado sa Lanao Del Sur

Arestado ang siyam na pinaghihinalaang mga teroristang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) Dawlah Islamiyag-Maute Group sa nangyaring engkuwentro ng sagupaan laban sa mga pinagsanib na puwersa ng mga tropa ng pamahalaan na kinabibilangan ng Provincial Special Operations Group ng Lanao Del Sur Provincial Police Office (PSOG-LDSPPO), Special Action Company (SAC13), PNP Special Action Force (SAF), Marawi City Police Station, 5th Infantry Batallion (5IB-Phil Army), Naval Special Operation Group (NAVSOG), Philippine Navy, Intelligence Special Operations Unit of Phil. Army (12ISU-PA) at ng Regional Intelligence Unit (RIU15) na mga maghahain ng arrest warrant sa tumatayong lider ng mga teroristang grupo na si Faharudin H. Satar alyas “Abu Zacaria”, 43 anyos, para sa mga kasong murder at attempted murder noong umaga ng Sabado sa Brgy. Paigoay, Pagawayan ng Lanao Del Sur.

Ayon sa ulat  na ipinadala ni Police Regional Office Bangsa Moro Autonomous Region (PROBAR) Regional Director PBGen. Eden T. Ugale, sa opisina ni PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, nadakip sa naturang engkuwentro ang mga suspek na sina 1.Camaroden Tindug, 2. Sabdullah Sarip, 3.Oter Macaungun, 4.Asnare Alisood, 5.Alisood Dima, 6. Sowaib Abdullah, 7. Saaduden Adapun, 8. Aleem Salih Pitilan, 9.Zaenal Abdulatip.Nakatakas naman sa gitna ng bakbakan ang dalawa pang teroristang sina Abu Diman at Abu Khalifa.

Nasamsam ng mga awtoridad sa lugar ng mga bandidong grupo ang mga sumusunod;

one (1) carbine, two (2) M16 rifles with three (3) magazine assembly and live ammo, two (2) çal. 45 pistols with mags loaded with live ammo, two (2) base radios, six (6) portable radios, thirteen (13) cellphones, one (1) laptop, two (2) usb, one(1) fired cartridge and one (1) slug of cal 45, wallet containing P1, 900.00 cash, record book na meron nakasulat na finances and personalities, sketches of suspected plans and atrocities, IDs, documento at iba pang mga subversive materials.

“We will file appropriate criminal charges against these armed suspects. Ang ating kapulisan ay hindi titigil hanggat hindi natin mahuli ang mga salarin at kelangan nyang pagbayaran ang kanilang ginawang kasalanan alinsunod sa ating batas, “ayon kay Eleazar. “Ang ating kampanya Kontra terorismo ay isa sa ating pangunahing sinusulong na community cleanliness sa ilalim ng ating Intensified Cleanliness Policy or ICP. Tayo ay umaasa na sa pamamagitan nito ay unti-unti na nating masugpo ang mahabang panahong problema sa insurhensya at terorismo sa bansa,” dagdag pa ng PNP Chief. (Koi Hipolito)