Inihaw ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers sa iskor na 99-90 sa Western Conference playoff series. Ito’y kahit may iniindang injury ang star guard nilang si Chris Paul.
Inihaw ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers sa iskor na 99-90 sa Western Conference playoff series. Ito’y kahit may iniindang injury ang star guard nilang si Chris Paul.
Bumida si Devin Booker sa pagbuslo ng 34 points, 7 boards at 8 assists.
Tumulong naman si Deandre Ayton sa pagkamada ng 21 points at 16 rebounds.
“It was a big win for us,” pahayag ni Booker.
Sa panig naman ng Lakers, bumira si LeBron ng 18 points, 10 rebounds at 7 assists. Nag-ambag naman si Anthony Davis 13 points, 7 boards at 3 blocks.
“Chris went down early and I think that got our team locked in and understanding that every possession matters. We huddled up and said we’ve all got to give a little bit more,” aniya.
Dahil sa panalo, pinaghahanda ana ng Suns ang Lakers sa Game 2 sa Miyerkules. Natitiyak kasi nilang reresbak ito at ayaw maiwanan ng 0-2 sa serye.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo