Nagwakas na ang 5-year reign ni Fil-AM MMA fighter Brandon ‘The Truth’ Vera bilang kampeon ng heavyweight division. Ito’y matapos siyang talunin ni Arjan ‘ Singh’ Bhullar (11-0) sa One Championship bout na ONE: Dangal.
NIlikida ni Bhullar si Vera sa harap ng manonood sa Singapore Indoor Stadium. Nataposa ang laban sa 4:27 sa second round via stoppage.
Si Bhullar ang first ever Indian mixed martial arts world champion. Sa first round ng laban ay agresibo si Vera at ito ang panay ang atake.
Pero, bagbago iyon nang makuha ni Bhullar ang kanyang rhythm.
Nagpakawala ang 34-anyos na Indian-Canadian ng clean shots sa paa habang iniiwasan ang counters ni Vera.
Dito na nagbago ang lahat at tumaas ang confidence ni Bhullar. Hanggang sa siya na ang nakakuha ng momentum.
Naisalya nito si Vera habang nililikida. Kaya, itinigil na ng referee ang laban dahil sa hindi pagresponde ng una.
Si Vera ang unang ONE heavyweight champion sapol noong manalo kay Paul Cheng noong December 11, 2015 sa Spirit of Champions.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!