November 13, 2024

RD Gen. Eliseo Cruz, dapat linisin ang mga illegal online sabong at jueteng sa Calabarzon

Nuon nakaraang linggo ay pormal ng naganap ang isinagawang balasahan sa hanay ng Philippine National Police sa ilalim ng tinaguriang “Peoples Choice” at “Media Darling” na si PNP Chief PGen.Guillermo Eleazar, at iniluklok nito sa puwesto si dating Southern Police District (SPD) Director PBGen. Eliseo DC Cruz, na isa sa sagradong bata ng PNP Chief at inaasahang magpapatupad ng kaniyang mga polisiya at reporma sa Calabarzon Regional Police Offfice (PRO4A) na dati na rin pinagsilibihan ni Eleazar bago ito nalipat sa iba’t ibang puwesto sa PNP.

Inaasahan ng mga taga Calabarzon ang mga tinuran ni General Eli Cruz sa harap ng media at mga opisyal ng pulisya na kanyang ipapatupad ang layunin ng PNP Chief ang Intensified Cleanliness Policy (ICP) na ang ibig sabihin ay paglilinis ng litiral sa mga presinto ng pulisya, paglilinis ng kanilang hanay laban sa mga “hoodlum in uniform” o mga police scalawags at siyempre ang paglilinis ng mga kriminalidad tulad ng paglaban sa iligal na droga at iba pang mga krimen kasama na diyan ang illegal gambling o Presidential Decree 1602 nabanggit natin mga ka-Patrol ang iligal na sugal dahil marami ang nakakarating sa atin na sumbong at namomonitor din natin ang mga operasyon ng bawat Police Provincial Office sa Region 4A sa kabila ng kaliwa’t kanan na pag-aresto sa mga kubrador ng jueteng ay tila wala naman tayong nababalitaan na nadadakip na mga pasimuno nito? tulad na lamang ng Jueteng operation ni John Yap sa Cavite kahit na kaliwa’t kanan ang banat at batikos ng mga kaibigan nating kolumnista dito at ay tila hindi ito matinag at muog ang sinasandalan ni Yap at hindi kayang supilin ng kaibigan nating si Cavite Police Provincial Director PCol Marlon Santos itong operasyon ni Yap na jueteng di umano sa Cavite ano ang kapangyarihan nitong si Yap para sumuway sa Executive Order number 13 ng Presidente Duterte laban sa illegal gambling at tila pati mga pulis sa Cavite ay tali ang kamay na patigilin si John Yap sa kanyang iligal na operasyon diba kosang Non Alquitran at kasamang Chris Ibon? Mismoo dipuga! hakhakhak.

Gayundin ang probinsya ng Batangas sa ilalim ng timon ni Batangas Police Provincial Police Office PCol. Rex Arvin Malimban, laganap din umano ang illegal STL con Jueteng sa mga bayan ng Lipa City na talamak din ang shooting incident, San Jose, San Pascual at Bauan na isinisigaw ng ating mga nakakausap ang pasimuno umano ay ang isang nagngangalan na si alyas “Amang.” may ilan din umanong mga illegal online sabong ang naglipana sa probinsya na hindi naman hawak ng legal na kumpanya ng Pit Master ni Charlie “Atong” Ang, ang nakapuwesto din sa naturang probinsya inangkupo ayaw ni Double “AA” ng ganyan dahil maluluge siya at malake rin ang mawawalang pakinabang ng gobyerno sa Pit Master na nagdadala ng malaking kita sa gobyerno tulad ng pagtustos sa gastosin laban sa Covid-19, tama ba ako PAGCOR Chairman Mam Andrea Domingo? hehe.

Bigyan natin ng pagkakataon maipakita ni RD PBGen. Eliseo Cruz ang kaniyang sensiridad sa pagsuporta sa kampanya ni PNP Chief Eleazar, na linisin ang mga iligal na sugal na puwedeng lalong magpakalat ng virus o pandemya. dahil bago pa lamang naman ito sa kanyang puwesto at inaasahan ng lahat na magpapakita agad ito ng resulta sa pagkakatalaga sa kaniyang puwesto na dapat natin tutokan at abangan ang mga gagawin ni RD Cruz na positibong pagbabago sa PRO4A hanggang sa muli.