Lumarga na ang virtual NCAA Season 96 sa kabila ng hinaharap na pandemya. Gayunman, nasunod ng liga ang palatuntunan ng kinauukulan.
May tema ang season 86 na “Rise Up Stronger” na opisyal nang sinimulan ang opening ceremony kahapon. Pero, ngayong araw sisimulan ang mga laro.
Kung kaya, tuloy ang pagsipa ng new season. Siyempre, tampok ang indoor games gaya ng basketball at volleyball sa torneo.
Gayundin ang swimming, chess, track and field at Esports.
Ang maganda, araw-araw mapapanood ng mga fans ang laro. Na ipalalabas sa bagong tahanan nito na GTV.
” Simula May 23, weekdays nang mapapanood ang mga laro. Bale ipalalabas ito ng alas 2:45 PM.”
” May games din every Saturday at Sunday. Bale 4:30 PM ang broadcast kapag Sabado at 5:05 PM naman kapag Sunday. Para sulit ang mga tagasubaybay,” ani ng insider.
Magsisilbi namang host ang Colegio San Juan de Letran. Na kaalinsabay naman ng ika-400 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo