May 2, 2024

IVANA ALAWI, DUMANAS DIN NG HIRAP BAGO NAGING SUCCESSFUL FINANCIALLY

Bago naging successul financially si Ivana Alawi ay dumaan muna siya sa hirap. Aniya sinunggaban niya ang ilang raker para maitawid ang pamilya.

Siya kasi ang breadwinner ng family niya. Kung kaya, pinatulan niya ang iba’t-ibang trabaho. kaya, ganun na lamang ang pagpapahalaga ni Ivana sa pera.

Bilang isa sa bigating vlogger sa bansa, mapapanood sa latest YouTube video ni Ivana ang coveration nilang magkakapatid. Kausap niya sa video sina Mona at Hash Alawi about their personal life.

Nasabi ng actress-vlogger ang pagsisinop niya sas pera. Kinarir niya ang pagiging breadwinner ng kanilang pamilya. Gagawin niya ang lahat para sa kanila.

Nasubukan niyang mamigay ng flyers sa mga dinadaluhang events noon. Hindi niya raw ito ikinahihiya. kasi wala namang masama sa kanyang ginagawa.

“Ako kasi yung tao na ever since lagi ko iniisip yung buong pamilya. Natural na sa akin,” aniya.

“Nu’ng nawala yung aming tatay, nu’ng hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya.

“Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako,” chika ni Ivana

Dumating kami sa point na toyo at saka kanin kasi wala na siya mautangan. And I’m thankful kasi isa siyang stepping stone, e. Yun ang nagpu-push sa akin,” pahayag ng aktres at vlogger.

Saka lang sila nakaluwag noong ipinama ng kanilang yumaong tatay ang property na naipundar sa Bahrain. Kasama na rito ang malaking bahay.