Masayang nairaos nina Kris Aquino, Josh at Bimby ang pagdiriwang ng Mother’s day. Magkakasama ang tatlo at masaya nila itong ipinagdiwang.
Sa side naman ni Kris Aquino ay tuwang-tuwa ito dahil kumpleto ang kanyang mga anak sa araw mismo ng Mother’s Day.
Grabe ang samahan nilang tatlo at umaapaw sa kaligayahan ang mga anak ni Kris. Maging siya ay sobra-sobrang kaligayahan sa piling nina Josh at Bimby.
Si Josh, kahit sa Tarlac na ito nakatira ay nag-effort talaga itong puntahan ang ina para batiin ng ‘Happy Mother’s day’ at makiisa sa pagdiriwang.
Sina kris at Bimby naman ay sa Pampanga na nakatira. Pero hindi hadlang ang layo nila sa isa’t-isa kung kailangan nilang magkita-kita.
Nang magkita ang tatlo nagmukhang duwende si Kris. Dahil nang magkasama silang tatlo sa picture naiwan na siya ng kanyang mga anak sa kataasan.
More Stories
‘MAS MAHUSAY NA ACTRESS SI NORA AUNOR KAYSA KAY VILMA SANTOS’ – MISS. CELIA RODRIGUEZ
ICE AT LIZA DINO SEQUERRA, ‘DI PARIN TANGGAP ANG KASAL NILA SA PILIPINAS
OLIVER MOELLER, INSTANT CELEBRITY NA AGAD DAHIL SA ‘IT’S SHOWTIME’