Yumuko si Pinay netter Alex Eala sa hometown bet Simona Waltert ng Switzerland sa W60 Bellinzona tournament. Pinataob ni Waltert ang 15-year old tennis player sa iskor na 5-7, 6-3, 6-2 sa Round-of-16 ng torneo.
Nakapagtala ng 4-1 lead si Eala sa umpisa ng laro. Ngunit, nakahabol ang 20-anyos na si Waltert. Nakuha nito ang anim sa sumunod na pitong games.
Nakagawa ng mga costly errors si Eala sa deciding set. Dahilan upang manaig si Waltert at makausad sa quarterfinals. Makakatapat nito si Jan Fett ng Croatia.
Si Waltert ay ranked No.284 sa Women’s Tennis Association (WTA). Target nitong mapanalunan ang second International Tennis Federation (ITF) title. Si Eala naman ay ranked No. 715.
Tinalo ni Alex noon si Waltert sa kanilang first encounter sa W25 Manacor sa Spain nitong nakaraang buwan.Pero, nakabawi ang huli sa W15 Manacor pagkalipas ng isang linggo.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC