November 25, 2024

Wastewater Treatment Plant Efficiency Improvement Project umarangkada sa Clark


Ininspeksyon nina Clark Development  Corporation (CDC) President at CEO Manuel R. Gaerlan (kanan), CDC Chairman Atty. Edgardo Pamintuan (ikalawa mula kaliwa), Clark Water Corporation (CWC) Presdient at CEI Virgilio Rivera, Jr. (ikatlo mula sa kaliwa) at CWC Market Sector Lead for Water, Prime Infra Melvin John Tan (kaliwa) ang  pagsisimula ng siphoning activity at desludging works sa Anaerobic and Facultative Ponds sa Clark Freeport Zone.

CLARK FREEPORT – Inilunsad kahapon ang Wastewater Treatment Plant Efficiency Improvement Project ng naturang Freeport, bilang paunang hakbang sa Clark Water Corporation’s (CWC) sa regulasyon gobyerno sa water treatment.

Sa suporta at direktiba ng Clark Development Corporation, naisagawa ang paunang hakbang ng CWC upang sumunod sa sa mga requirement na nakasaad sa Department of Environment and Natural Resources’ (DENR) Administrative Order 2016-08 at para sa renewal ng discharge permit nito.

Ang paunang hakban para sa delusdging ng umiiral na Anaerobic and Facultative Ponds  ay bilang tugon din sa demands ng DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Region 3 upang makapag-renew ng discharge permit ng CWC.

Sa nakaraang pagpupulong kasama sina CDC Chairman Edgardo Pamintuan at CDC President at CEO Manuel R. Gaerlan, nabanggit ni EMB Region 3 Director William Trajeco ang kanilang tanggapan ay hinihiling na makita ang incentive ground works upang ma-mobilize ang compliance sa CWC.

Gayunpaman, no-show si RD Trajeco sa naturang event.

Binigyang diin ni Gaerlan ang kahalagahan ng nasabing event bilang hudyat ng isang makabuluhang aksyon sa bahagiCWC at ng state-owned firm upang matugunana ang lahat ng tagubulin ng EMB R3.

Sinimulan ang desludging activity dahil sa ultimatum na ibinigay ng EMB R3 na naghuhudyat  ng isang cease-and desist order (CTO) na inilabas ng kanilang tanggapan kung ang CWC ay hindi nagsisimula sa mga paunang hakbang.

Upang ituloy ang suporta at tulong na mapabilis ang pagsunod sa CWC sa mga requirement ng DENR-EMB, iprinisinta ng CDC ang isang mabisang teknolohiya na tutugon sa standards na itinakda ng DAO 2016-08.

Itong teknolohiya ay isang hybrid wastewater treatment system na nagsasama sa microbe (bio) remendiation at red bed technology.






IMPROVING WASTEWATER EFFICIENCY. Sinumulan kamakailan lang ang paunang hakbang ng  Waste Water Treatment Plant Efficiency Project sa Clark Freeport Zone  ng Clark Water Corporation (CWC) alinsunod sa DENR-DAO 2016-08. Dumalo sa event sina Clark Development Corporation (CDC) Chairman Edgardo Pamintuan (4th from left), CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan (5th from left), and CWC President and CEO Virgilio Rivera, Jr. Also in attendance during the activity are (from left to right) CDC Vice President for Administration and Finance Mariza Mandocdoc, CWC Subsidiary Operations Group Director Maidy Lynne Quito, CDC Vice President for Engineering Services Group Ralph Mamauag, CWC General Manager Christian Mhel Marcos, at  CWC Market Sector Lead for Water, Prime Infra Melvin John Tan.



Ang sistema ay dinisenyo upang maging environment friendly, na hindi kamahalan, at sertipikado ng Department of Science and Technology (DOST) bilang isang green technology.