Patuloy ang pamamahagi ng mga wheelchair ng Pitmaster Foundation Inc. para mga kababayan nating nahihirapang maglakad at hirap nang makatayo dahil sa iniindang karamdaman.
Sa pagkakataong ito, ang mga taga-Imus, Cavite naman ang makikinabang sa nasabing mga wheelchair.
Ayon kay Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster, maraming nangangailangan ng wheelchair subalit walang kakayahang bumili.
Kasabay nito lumagda rin sa isang memorandum of agreement si Cruz kasama sina Imus, Cavite Mayor Manny Maliksi at Kap RR para sa libreng dialysis treatment.
Walang bayad at dapat ay mahirap ang tanging requirement ng Pitmaster sa kanilang libreng dialysis.
Para sa libreng dialysis, mag-message lang sa Pitmaster Facebook messenger o sa kanilang Instagram na ‘Pitmaster Cares’ o mag-email sa [email protected].
More Stories
Sinagot paratang ni ex-Mayor Mabilog… DELA ROSA: PINAPUNTA KO SIYA PARA PATAYIN?
PHOENIX LASOG SA NLEX, 104-79
SARA DUTERTE NAKIPAGKITA KAY LENI ROBREDO SA NAGA CITY (Matapos ‘kumalas’ kay Marcos)