November 25, 2024

NAGSELOS SA KABIT NABURYONG; BAHAY, SARILI SINUNOG

DAVAO CITY – Dahil sa matinding selos sa kabit ng kanyang kinakasama, sinunog ng isang lalaki ang kanilang bahay pati na rin ang sarili sa Barangay. Bunawan, Davao City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Philip Coma, 46.

Ayon sa imbestigayon ng Bureau of Fire Protection-Region 11, matagal nang nawawala si Coma sa lugar kung saan iniwan niya ang kanyang kinakasama.

Nalaman na lamang niya sa kanyang pagbalik na may kapalit na siya sa puso ng kanyang iniwang live-in partner.

Dito na nagalit ang biktima kaya sinunog niya ang kanyang sariling bahay.

Habang nasusunog ang bahay, hindi umano lumabas si Coma. Hanggang sa maapula ng mga bumbero ang sunog ay hindi na ito lumabas at wala nang buhay nang makita.

“He seems to be going wild in their place. Alburuto kumbaga. Maybe it’s because of you live-in with him now. His ex said that he had already bought gasoline, ” saad ni SFO2 Ramil Gillado, hepe ng investigation section ng BFP-11.

Wala umanong ibang tao sa bahay nang isagawa ni Coma ang panununog. Gayunpaman, nadamay pa ang dalawang katabing bahay sa sunog na nilikha nito. Umabot sa P135,000 ang danyos ng nasabing sunog.