November 24, 2024

Hosting ng FIBA Cup, muling ibinalik sa Pilipinas

Inihayag ng FIBA (International Basketball Federation) na muling ibabalik sa Pilipinas ang hosting ng ilang Group games nito.

Ito’y inanunsiyo ni FIBA Executive Director Hagop Khajirian sa kanyang inilabas na statement.Ito’y kasunod ng cancellation ng third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Qatar.

 “Fixing the dates of the ‘windows to be created’ under this unexpected and extraordinary situation will still need about 10 days to be finalized,”ayon kay Khajirian.

Kinansela noong Biyernes ng umaga ang hosting ng Qatar ng Group A, B, at E games na dapat idaraos sa Pebrero 17 – 23.

Ito’y bunsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng may COVID-19 sa nasabing bansa.Ang Group A ay binubuo ng Pilipinas, South Korea, Indonesia at Thailand.

Kabilang naman sa B ang Chinese-Taipei, Japan, Malaysia at China habang magkakasama naman sa E ang Iran, Syria, Saudi Arabia at Qatar.

Ayon kay Khajirian, apat na national federations na ang nagpahayag ng kanilang suporta sa FIBA sa paghu- host ng isa o higit pang group games na nakansela.