Inanunsyo ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi muna makakatanggap ng coronavirus vaccine ang mga bata hangga’t hindi pa nakakasiguro ang pamahalaan na magiging ligtas ito para sa mga menor-de-edad.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay nang paghahanda ng pamahalaan na simulan ang vaccination program nito sa oras na dumating na sa bansa sa susunod na linggo ang unang batch ng COVID-19 vaccines.
Hindi raw ibig sabihin na hindi prayoridad ng gobyerno ang mga bata bagkus ay nais muna nilang tiyakin na magiging ligtas ito sa lahat.
Magugunita na nag-issue na ng emergency use authorization (EUA) ang Pilipinas para sa mga bakuna na gawa ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca, subalit kahit isa rito ay wala pang nasusubukan sa mga bata.
Sa ngayon ay sisimulan na ng Pfizer at Moderna ang clinical trial ng kanilang bakuna sa mga bata na may edad 12-anyos pataas, habang hindi naman matukoy kung susunod na rin sa hakbang na ito ang iba pang pharmaceutical firms tulad ng AstraZeneca, Johnson & Johnson at Novovax.
Umaasa naman ang Pfizer na maisasapubliko na nila ang resulta ng kanilang clinical trial ngayong taon saka lamang nito isasapinal ang kanilang pag-aaral para sa mga limang taong-gulang hanggang 11-anyos.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)