Nakikipag-ugnayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Mon Fernandez sa Philippine Olympic Committee (POC).
Ito’y kaugnay sa balak ikasang ensayo ng mga national athletes. Partikular ang kakatawan sa 31st Vietnam SEA Games.
Ang nasabing biennial sports meet ay idaraos sa darating na Nobyembre.
“As the CDM (chef de mission) and a PSC commissioner, I am as interested as everyone for our teams to resume formal training and we are working on it,” wika ni Fernandez.
Pormal na bumalik ensayo ang mga athletes. Lalo na sa four sports discipline sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Sa gayun ay makapagprepara sa kanilang sasalangang kompetisyon. Una nang nagbalik sa training ang men’s basketball. ‘O Gilas Pilipinas 8.0.
Naghahanda ang Gilas sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. Bukod sa basketball, nagsasanay din ang mga atleta sa boxing, taekwondo at karatedo.
Ito’y bilang paghahanda nila para sa Olympic qualifying meet.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC