Magsisimula na ang voting sa potential 2021 NBA-All Star Games. Matatapos ang botohan hanggang sa February 16.
Kaya naman,may pagkakataon ang mga fans na iboto ang napipisil nilang starters. Ang first five sa Eastern at Western Conferences.
Magkakaroon din ng NBA-All Star break mula March 5-10 sa 2020-21 season. Pinaikli ang season ng 10 games dahil sa COVID-19 pandemic.
“Discussions surrounding a potential NBA All-Star Game are ongoing,” saad ng liga sa isang statement.
Pwedeng magsubmit ang fans ng one ballot per day sa NBA’s website. Gayundin sa NBA app. Pwede rin sa Twitter.
Ang fan voting ay ibibilang na half of voting. Kasama rin sa boboto ang media panel at current NBA players. Na katumbas nito ay 25% ng final total.
Ihahayag ang NBA-All Star starters sa February 18. Kasama na rito ang reserves at chosen NBA head coaches na ihahayag naman sa February 23.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo