BIBIHIRANG mangyari na ang isang dayuhan sa ating bayan ay magkaroon ng puso’t damdamin para sa mga Pinoy.
Siya si KEIJI KATAYAMA, isang Japanese national na nakabase na dito sa ‘Pinas – isang company executive ng multi-national firm na pang-sports.
Bilang isang baseball expert sa kanyang bansa ay taos puso siyang nagsi-share ng kanyang kaalaman sa larangang ang Japan ay world caliber at champion- ang baseball.
Dahil sa kanyang soft heart sa mga Pilipino, hinangad niyang makatulong sa pamamagitan ng sport na may potensiyal ang Pinoy na mag-excel sa international competitions.
Ang sport na baseball ay swak ang kakayahan ng Pilipino na di kailangan ang heaight advantage.
Kailangan lang ng mas modernong kaalaman sa laro at iyon ang nais maituro ni Keiji lalo na sa mga bata noon pa hanggang bago mag- pandemya.
Nagsi- share din siya ng kanyang expertise sa national team pati sa mga collegiate at commercial leagues.
Nasa programa rin ni Keiji ang mamahagi ng libreng baseball equipments hanggang sa grassroot level.
Kaibigan si Keiji ng buong baseball community sa bansa magmula sa mga opisyal ng NSA, players, coaches at team owners tulad niya.
Hangad niyang bumalik na sa normal ang buhay at mawala na ang salot na coviD-19 upang tuloy na ang kaniyang adbokasiya para sa mga Pilipino.
Sa napipintong pagluwag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa larangan ng sports bilang antisipasyon sa pagdating ng lunas na vaccine kontra pandemyang COVID-19 sa bansa, isa ang baseball sports sa tinatayang hahataw sa aksiyon sa diamond ngayong taong 2021.
Ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) ay tiyak na magsusulong na ng mga programa nito sa taong 2021 partikular na ang matagal nang planadong Philippine Baseball League (PBL) na natengga ng pandemya.
Optimistiko naman si Katayama na malapit nang magbalik- diamond ang mga baseball players at coaches at hangad niya ay ngayong summer. Bilang baseball team owner ay nakahanda anumang oras ang kanyang koponan sa paghataw sa aksiyon.
Binuo ng miyembro ng national baseball team coaching staff , deputy coach ng University of the Philippines Maroons baseball team sa UAAP na si Keiji ang Katayama Baseball Academy ( KBA) Stars at naging aktibo sa field ilang taon na ang nakaraan .
“If PABA will push through it’s project Philippine Baseball League this summer, definitely our KBA team will participate.Our players are raring to go back at the diamond,”paniguro ng dating baseball varsity player sa kanyang alma mater sa Japan noong kanyang prime.
Intact pa rin ang mga manlalaro ni Katayama sa KBA na salado mula collegiate players Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Wish din ng Japanese national na may pusong Pinoy na mapabilang na rin ang sport na baseball para sa 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021 sa Disyembre upang maidepensa ng Pilipinas ang overall SEAG champion title na nakopo noong nakaraang taong hosting ng bansa sa naturang biennial sports spectacle sa rehiyon ng Timog Silangang Asia.
Sa malasakit na ipinadadama ni Katayama sa Pinoy baseballers, saludo ang korner na ito… DOMO ARIGATO KEIJI SAN!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE