BACOLOD CITY –Patay ang isang lalaki na umaming gumagamit ng droga habang sugatan naman ang kanyang partner matapos barilin ng riding-in-tandem sa mataong lugar sa Bais City, Negros Oriental kahapon.
Lulan ng motorsiklo si Patrick Manuel Romero, 31, kasama ang kanyang live-in partner na si Rhea Lou Pagador, 29, nang sundan sila ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.
Binaril ng ilang beses ng gunman na angkas sa motorsiklo si Romero, ayon sa pulisya.
Kapwa dina ang dalawa sa Bais City District Hospital kung saan idineklarang wala ng buhay si Romero. Nakaligtas naman si Pagador sa nangyaring pag-atake matapos tamaan ng bala sa siko.
Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang hindi nagamit na bala, pitong nagamit na .45 caliber bullets, isang deformed .45 caliber slug at isang mobile phone.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring pamamaslang.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS