September 19, 2024

WWE COMMENTATOR RENEE YOUNG, NAGPOSITIBO SA CORONAVIRUS

Inihayag ni World Wrestling Entertainment announcer na si Renee Young ( Renee Jane Paquette sa totong buhay) na nagpositibo siya sa coronavirus, ito’y pagkatapos  na ang kanyang All-Elite Wrestling ( AEW) champion na si Jon Moxley ay binaklas muna sa Dynamite. Inihayag ng 34-anyos na special contributor sa Friday Night Smackdown at co-host sa WWE Backstage ang kanyang kondisyon sa kanyang Twitter account.

Man. What a few days. My show gets cancelled and I get Covid. Wear your masks and wash your hands. Stay safe, everyone,”saad ni Young.

Nayanig naman ang WWE sa sitwasyon ni Young nang ihayag nito na mayroon siyang CoViD-19, bukod pa sa nagpositibo ng ilang staff members, in-ring superstars sa isinagawang pinakabagong testing sa kanila.

 “WWE will continue COVID-19 testing of its talent, production crew and employees in advance of TV productions for the foreseeable future,” pahayag ng WWE.

Samantala, ang mister naman ni Young na si Moxley o si dating WWE star Dean Ambrose ay nakatakdang lumaban upang idepensa ang titulo nito sa upcoming AEW pay-per-view na ‘Fyter Fest’ sa July 8 laban kay Brian Cage.