May 15, 2024

7 MANGINGISDANG CHINESE, INILIGTAS NG PCG (Patunay ng magandang relasyon ng PH-China – Xilian)

Nagpapasalamat ang embahada ng China sa Pilipinas kasunod nang pagkakaligtas sa pitong mangingisdang Chinese matapos na tumagilid ang kanilang barko.

Sa kanyang Facebook page, partikular na pinapurihan ni Ambassador Huang Xilian si Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu at ang buong PCG dahil sa agarang pagtugon sa pumalyang Chinese vessel at makataong pagtulong sa pitong mangingisdang Chinese.

Sa hiwalay aniyang insidente, nailigtas ng isang Chinese vessel ang isang mangingisdang Filipino sa East Philippine Sea nang natagpuan siyang lumulutang sa naturang karagatan ngayong linggo.

Sinabi ni Ambassador Huang na patunay ito na tumatalima ang dalawang Coast Guard sa napagkasunduan nina Pangulong Gerson Marcos Jr at Chinese President Xi Jinping, na pagpapalakas ng komunikasyon at mekanisno sa usaping pangkaragatan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Patotoo aniya ito ng magandang ugnayan at matagal ng pagkakaibigan at pagkakaroon ng bayanihan spirit ng China at Pilipinas.