Boluntaryong sumuko sa tanggagan ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG ) Provincial Field Unit sa Camp General Guillermo Nakar, sa Lucena City lalawigan ng Quezon ang anim na dating pulis ng Navotas City Police Station na nakabaril at nakapatay sa isang binatilyo na biktima ng “mistaken” identity bandang 5:00 ng hapon nuon araw ng Miyerkules October 3, 2023 matapos na magpalabas ng Warrant of Arrest ang Regional Trial Court ng Lungsod ng Navotas.
Kinilala ang mga pulis na sina Police Executive Master Sargeant Roberto Balais, Police Staff Sargeant Gerry Maliban, Police Staff Sargeant Antonio Bugayong Jr., Police Staff Sargeant Nikko Pines Esquillon, Police Corporal Edmar Jose Blanco at si Patrolman Bennidict Mangada.
Matatandaan na noong buwan ng Agosto ng taong ito ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga suspek na pulis Navotas ang biktimang si Jherode “Jemboy” Baltazar, 17 anyos sa Barangay North Bay South Boulevard ng nabanggit na lungsod, habang naglilinis ng bangka matapos na mapagkamalang isang murder suspect.
Sasampahan ng kasong murder ang anim na pulis at tiniyak naman ni Northern Police District Director Brigadier General Rizalito Gapas kay NCRPO Chief Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., na hindi bibigyan ng special treatment ang mga suspek na pulis at posibleng dalhin at ikulong ang mga suspek sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City. (KOI HIPOLITO)
More Stories
P6.352-T 2025 NAT’L BUDGET NILAGDAAN NI MARCOS
Live in partner tinadtad ng bala habang natutulog patay sa Quezon
Araw ni Rizal, Ginunita