May 14, 2024

‘MACHO BLOC’ PASOK SA TOP 12 NG PULSE ASIA SENATORIAL SURVEY

PUMASOK  sa Senatorial survey ng Piulse Asia ang mga tinaguriang  ‘Macho bloc’ ng Senado.

Kabilang sa ‘Macho bloc’ sina dating  Senate  President Tito Sotto III, dating Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, dating Senador Gringo Honasan at Senador Lito Lapid.

Pumangalawa sa nasabing survey si Sotto na nakakuha ng  52%, nasa ika- 5 hanggang ika- 7 pwesto si Lacson na may 35.8%, habang nasa ika-9 pwesto si Pacquiao na may 29.1%.

Nasa magic 12 din si Supremo sa Batamg Quiapo na si Sen.  Lapid na nakakuha ng  24.2% at ika- 11 – 22 si Honasan na may 21.3%.

Isinagawa ang survey noong September 10 hanggang 14 sa 1,200 respondentssa buong bansa.

Pinapili ang mga respondents ng hanggang 12 pangalan ng mga gusto  nilang kandidato.

Samantala, nangunguna pa rin si Cong. Erwin Tulfo, ikatlo si Sen. Bong Go, ika-4 Bato dela Rosa at ika-anim Senadora Imee Marcos.