NASA LARAWAN: Ang Aglipay Sewage Treatment Plant ng Manila Water na may kakayahang magproseso ng hanggang 60 milyong litro ng duming tubig bawat araw bago ito ligtas na itapon sa Ilog Pasig. Kasalukuyang nagbibigay ang Manila Water ng serbisyong pampasilidad sa 372,610 connections sa buong East Zone concession area sa pamamagitan ng 500-kilometrong sewer network nito.
Pumalo na sa 500.08 kilometro ang kabuuang haba ng sewer network ng Manila Water hanggang noong Hulyo 2026.
Isang mahalagang milestone ito sa layunin ng kumpanya na mapabuti ang serbisyo sa kalinisan, mapangalagaan ang kalusugan ng publiko, at protektahan ang kalikasan sa buong service area nito.
Sa pamamagitan ng mga sewer line, kinokolekta at dinadala ang dumi o ginamit na tubig mula sa mga kabahayan at establisimyento patungo sa pasilidad para sa treatment bago ligtas na ibalik sa mga ilog at daluyan ng tubig.
“Every kilometer of sewer line we build strengthens our ability to deliver essential wastewater services that help protect both public health and the environment. This growing network allows us to serve more customers while contributing to cleaner rivers and healthier communities,” pahayag ni Dittie Galang, Head ng Manila Water Corporate Communications Group.
Bukod sa pagpapalawak ng linya, patuloy rin ang paglilinis at maintenance sa mga pasilidad.
Noong Hulyo lamang, nasa 21.41 kilometro ng sewer lines ang nalinis, habang mabilis ding naaksyunan at naayos ang 11 bara sa main sewer at 70 bara sa mga linya ng kabahayan.
Dahil dito, nadagdagan ng 699 ang bagong sewer connections noong Hulyo, dahilan para umakyat sa kabuuang 5,225 net increase ngayong taon.
Sa kabuuan, umaabot na sa 372,610 connections ang pinaglilingkuran ng Manila Water sa buong East Zone concession area.
Patuloy ang kumpanya sa pagpapatupad ng sewerage expansion projects upang suportahan ang layunin ng pamahalaan sa sanitation at mapabuti ang uri ng pamumuhay sa mga komunidad.
