April 28, 2024

5-year deal bilang next head coach, alok ng Knicks kay Tom Thibodeau

Bilang bahagi ng pagbabagong hakbang na gagawin ng New York Knicks, target ng team na malambat ang ilang promineteng tao sa NBA.

Kabilang na rito si Miami Heat cager Jimmy Butler at Minnesota Timberwolves coach Tom Thibodeau bilang head coach.

Ayon sa ulat, pinapalantsa na ang pagrekta ng 62-anyos na si Thibodeau sa Knicks. Katunayan, nag-uusap sila ni Knicks owner James Dolan tungkol dito. Bukod kay Thibodeau, target din ng Knicks si Mike Brown bilang associate head coach at Jason Kidd.

Halos done deal na ang negosasyon upang maging ganap nang head coach si Thibodeau sa New York sangayon sa 5-year deal.

Si Thibodeau ay naging coach din ng Chicago Bulls sa loob ng 5 taon. Kung saan, pinarangalan siya bilang ‘Coach of the Year’ noong 2011. Noong 1996 hanggang 2004, naging assistant coach siya ni Jeff Van Gundy sa Knicks.