May 17, 2024

47 Sundalo, 3 Sibilyan Patay sa Pagbagsak ng C-130 sa Sulu

Umabot na sa 47 militar ang namatay sa nangyaring pagbagsak ng Philippine Air Force C-130 plane sa Patikul, Sulu, ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo ngayong Lunes.

PHOTO: Joint Task Force-Sulu via AP



Sa panayam sa DZBB, sinabi ni Arevalo na tatlong sibilyan din ang nasawi, kaya umabot na sa 50 ang overall death toll.

Samantala, 49 na sundalo ang nasugatan sa insidente.

Papunta sana sa Sulu ang C-130 plane na may sakay na Philippine Army troops  para tumulong na makipaglaban sa terorismo.

96 pasahero ang lulan ng bumagsak na eroplano.

Sinasabing sinubukan lumapag ng eroplano pero lumampas ito sa Jolo airport runway.