May 15, 2024

4 SUGATAN SA SALPUKAN NG BUS SA EDSA BUS COROUSEL

Sugatan ang apat na katao makaraan magbanggaan ang dalawang bus sa Edsa Bus Courosel sa bahagi ng Bagong Barrio, Caloocan City, kahapon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dalawang bus ang nagkabanggaan sa EDSA Bus Carousel dakong alas-7:56 ng umaga sa southbound lane ng EDSA.

“A bus that was entering the Carousel lane collided with another bus that was already traveling through the lane. Four persons were injured,” ayon sa post ng MMDA sa Facebook.

Maagap naman umanong nakaresponde ang mga its traffic enforcers, at ang mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa naturang insidente. Nagpadala rin agad ng ambulansya at tow truck.