APAT ang kumpirmadong patay kabilang ang isang bedridden na lola na Person with Disability o PWD matapos na makulong sa kanilang bahay sa nangyaring sunog sa Ibarra Street, Barangay Uno sa Lungsod ng Lucena sa Quezon, bandang alas-3:45 ng madaling araw noong Biyernes.
Kinilala ang mga magkaka-anak na nasawi sa sunog na sina Lotlot Lubiano, 72, Juanito Hernando, 65, Jay Mark Hernando, 18, at si Lyn Hernando, 8 years old.
Nasunog din ang 15 kalapit na bahay at tinatayang umabot sa P500,000 ang danyos ng nasabing sunog.
Batay sa ulat ng Lucena City Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap galing ng Lucena Tactical Operation Center para ipaalam ang nasabing sunog at mabils naman ang naging pagresponde ng mga awtoridad kasama ang Lucena City Bureau of Fire Station sa naganap na sunog at idineklarang Fire Out na ang sunog bandang 6:26 ng umaga ayon kay Fire Investigator SFO2 Ferdinand Gapit na umabot umano sa ikalawang alarma at duon na nadiskubre ang mga labi ng mga na-trap na biktima sa loob ng kanilang bahay.
Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon at clearing operation ng mga Fire Marshalls upang malaman ang sanhi ng pinagsimulan ng sunog. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA