May 19, 2024

DANIEL PADILLA, NABAWASAN NG ENDORSEMENTS

NAKAKALUNGKOT naman kung totoong isa isa nang kumakawala sa poder ni Daniel Padilla, ang mga endorsement na pinasikat ng KathNiel loveteam.

Kung totoong nababawasan na ng endorsement itong si Deej, hindi maganda ito para sa kanyang showbiz career.

“Normal lang naman na mabawasan dahil hindi na sila nag-renew pa ng kanilang kontra. Iyong iba naman ay nanatili pa rin naman ito, kaya si Deej pa rin ang endorser nila.

“Normal naman nagkakamali ang isang tao, ang maganda lang kay Daniel Padilla, ay kanya na itong itinatama. Nagkataon namang sumuko na iyong isa, kaya dapat na niyang harapin kung ano ang tatakbuhin ng kanyang showbiz career sa hinaharap.” pagtatanggol pa ng aking source.