KUNG papasok ang pelikula nina Nora Aunor, Vilma Santos at Maricel Soriano. Bongga ang Metro Manila Film Festival 2023 (MMFF ’23) ngayong taon, dahil pasok ang mga tinitingalang mahuhusay na actress ng Pilipinas. Masiglang labanan ito ng pelikulang tagalog, biruin ninyo apat silang maglalaban-laban (Nora, Vilma, Maricel at Sharon).
“Tiyak sasamantalahin nila iyan, at kapag nakapasok iyang apat na movie nina Nora, Vilma, Maricel at Sharon. Malamang na itaas nila ang tickets, na ubod na ng taas. Kung hindi naman masusunod tiyak may laglagan namang mangyayari, kaya milagrong maglabanlaban sila.
“Maaari ring may malaglag dahil sinusunod ng MMFF ang kanilang criteria para mag-qualify ang isang movie na entry, kung pasok sa criteria pasok ang pelikulang entry.
“Kung gagawing 10 ang mga entring pelikula, sure pasok na pasok ang pelikula nina Nora, Vilma at Maricel. At milagro ring pagbigyan ang request na gawing 10 ang mga movies na pwedeng maglaban-laban,” chika ng aking source na taga-MMFF.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund