May 7, 2024

367 UNDOCUMENTED OFWS SA BAHRAIN BINAKUNAHAN VS COVID-19

Pinangunahan ng Philippine Embassy ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga undocumented overseas Filipinos workers sa Kingdom of Bahrain.

Abot sa 367 na undocumented overseas Filipinos sa Bahrain ang naturukan ng AstraZeneca vaccines sa ilalim ng “Libreng Bakuna Para kay Juan at Juana” program ng Philippine embassy.

Ayon kay Philippine Ambassador to the Kingdom of Bahrain Alfonso Ver ang pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayang ay wala pang kapahintulutang magtrabaho sa nasabing bansa.

Dahil dito, ang 367 na mga  undocumented OFWs  ay rehistrado na sa “Be Aware Health” app.

Ibig sabihin, makakapag-avail na sila ng lahat ng features ng app, kabilang na ang electronic vaccination certificate (green shield)  na kinakailangan para makapasok sa mga office buildings, government institutions, malls, restaurants, schools, at iba pa.

Maliban sa protektado na kontra COVID-19, mas magkakaroon ng oportunidad ang mga bakunadong undocumented Filipinos na mahakanap ng trabaho sa Bahrain.

Ang  green shield o patunay na fully vaccinated na ang sinumang indibidwal ay pangunahing hinahanap na requirements ng mga employers doon.