May 16, 2024

35 PANG BEBOT NASAGIP SA PAMPANGA

ANGELES CITY, PAMPANGA – Matapos masagip kamakailan lang ang 52 babae na biktima ng human trafficking, nakasagip ang pulisya ng 35 pang kababaihan  sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Police Regional Office (PRO3) director Brig. Gen Valeriano de Leon, nadakip din ng mga operatiba ang lima pang suspek, kabilang ang manager at make-up artist sa rescue operation sa Sensation Gogo Bar noong Sabado.

Naaktuhang ang mga babae na nakahubad habang nagsasayaw.

Nakatakas naman ang umano’y bar owner na si Retchard Yongco.

“The rescue operation was a strong message that the PNP conducts operation to curb all formation of criminality nationwide,” ayon kay De Leon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10364 o Expanded Act Anti-Trafficking in Persons Act, ang mga nahuli, at ang kasalukuyang tinutugis na may-ari ng bar.