May 17, 2024

33 iniwang patay ng Bagyong Ulysses

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Bagyong Ulysses.

Batay sa pinaka huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 33 ang bilang ng mga patay dahil sa bagsik ng bagyo.

Labing anim (16) sa mga ito ang mula sa Region 2, tig-anim sa CALABARZON at Cordillera Administrative Region at lima naman sa Region 5.

Sa ngayon nasa 22 naman ang bilang ng mga nasaktan, habang 20naman ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.