IBINUHOS ang buong lakas ni Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Pertecio upang gapiin si Vy Sreysros ng Cambodia,5-0 sa semifinals ng women’s featherweight class upang pangunahan ang apat pang Pinoy tungo sa boxing finals ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 boxing events na ginaganap sa Chroy Changvar Center Hall sa Phnom Penh.
Umiskor din ng malaking panalo sa semis sina Roger Ladon,Ian Clark Bautista,Norlan Petecio at John Marvin.
Pito na sa 12 Pinoy boxing bets ang umusad sa finals.
Nauna nang finalists sina Tokyo Olympian Irish Magno at Risa Pasuit na tatarget ng ginto sa flyweieight at lightweight categories ayon sa pagkakasunod.
“Obviously we have seven boxers so far in the finals”,wika ni Association of Boxing Alliances in the Philippines( ABAP) Secretary – General Marcus Jarwin Manalo.
Haharapin ni Petecio si Ratna Sari Devi ng Indonesia sa finals sa Linggo.
Epektibo naman ang mga jabs at counter punching ni Ladon upang daigin si Muhammad Abdul Quaiyum ng Malaysia,4-1 upang maisaayos ang finals duel nito kay Thanarat Saengphet ng Thailand, bronze nedalist ng nakaraang World Boxing Championship.
‘Di naman pinaporma ni Bautista si Naing Latt ng Myanmar para sa 5-0 panalo tungong finals makakalaban si Asri Udin ng Indonesia habang si Norlan Petecio ay natapat kay Banjong Sinsiri ng Thailand para sa ginto at Thailander ding si Weerapon Jongjoho ang makakabakbakan ni Marvin.
Tatlong Pinoy boxers pa ang sasalang sa semis ngayon sa pangunguna ni Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa bantamweight,Marcus Cesar Tongco sa heavyweight at Paul Julyfer Bascon sa welterweight.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO