May 18, 2024

3 sangkot sa droga nalambat sa buy-bust

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit si John Deree Herrera makaraan ang isinagawang buy-bust operation sa Imo St., Bilog Balangkas Valenzuela City. Narekober sa kanya ang ang buy-bust money, 2 plastic sachet ng hinihinalang shabu, 1 kalibre 22 na baril at 3 bala. (RIC ROLDAN)

TATLONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities.

Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa P. De Vera St., Brgy. Sipac Almasen.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Dennis Villanueva, 55 matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Ernando Borja, 37, na sinasabing umiiskor ng droga kay Villanueva. Narekober sa mga suspek ang 202 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,960 ang halaga, buy-bust money at P300 bills.

Sa Valenzuela city, alas-12:30 ng madaling araw nang matimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU team si Joseph Laganina, 35, sa buy-bust operation sa P. Gomez St. Brgy. Maysan sa pangunguna ni PLT Robin Santos. Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., nakuha kay Laganina ang 1 gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 bills at dalawang cellphones.