May 9, 2024

3 huli sa sugal sa Malate, Manila

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 9 ang tatlong katao matapos mahuling nagsusugal sa kalsada sa Malate, Manila

Kinilala ng mga pulis ang mga nadakip na sina Edwin Ocampo, 39 karpintero, ng 2331 Rosal St,

Joshua Villar, 18, ng 1909-F Muñoz St. at Jeffrey Almehas, 19, kapwa residente ng Singalong sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, dinampot ni Barangay Chairman Reynaldo Habay ng Brgy. 753 Zone 81 kasama ang kanyang barangay kagawad at barangay tanod, ang mga sugarol sa aktong nagsusugal ng dice. Nakumpiska sa kanila ang mahigit sa P20,000 na gambling money, pares ng dice at P5 na barya.

Nabatid na nagpapatrolya ang mga awtoridad ng barangay sa lugar, nang makita nila ang mga suspek dakong alas-9:50 ng gabi sa kanto ng Arellano Avenue at Jasmin Street sa Malate, Manila.

Kaagad dinala ang tatlo sa MPD-Arellano Police Community at kinasuhan sa paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) sa Manila Prosecutor’s Office.