Kulungan ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang magpinsan matapos masakotesa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Ayon kay Valenzuela Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSMS Fortunato Candido, dakong 2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU na kinabibilangan nina PSSg Arvin Lirag, PCpl Christian Rey Corpuz at PCpl Kenneth Marcos sa pangunguna ni SDEU chief PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy bust operation sa Makipot St., Brgy. Malinta.
Kaagad sinuggaban ng mga operatiba si Ian Santos, 26, at kanyang pinsan na si Jericho Velasco y Santos, , 19, kapwa ng Santos Compound, Bukid, Malinta matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa kanila ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P27,200.00 , 1 gramo ng hinihinalang pinatiyong dahon ng marijuana na nasa P120 ang halaga, buy bust money, P150 cash, cellphone at brown pouch.
Nauna rito, dakong 8:20 kamakalawa ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU na kinabibilangan nina PCpl Noriel Boco at PCpl maverick Jake Perez ang lolo na si Alfredo Maclib, 58, sa buy bust operation sa kanyang bahay sa 118 Conrado St., Brgy. Coloong 2.
Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, narekober kay Maclib ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P300 buy bust money, P260 cash at cellphone. Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI