May 20, 2024

2 LASING KULONG SA BARIL, PATALIM AT PANANAKIT SA 2 KALUGAR

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lasing na lalaki matapos bugbugin ang isang construction worker na umawat sa kanila habang hinahabol nila ang dalawang dalaga sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Cpl. Joel Villanueva ang naarestong mga suspek na si Ronald Cagata, 48 at Ronnie Porccadilla, 55, kapwa ng Flovi 8, Phase 6, Brgy. Tonsuya. Cagata.

Ayon kina police investigators P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, kapwa lango sa alak ang mga suspek nang habulin nila si Stephanie Grace Valentino, 18, at kaibigan nito na kanyang kapitbahay nang makita sila ng dalawa na nakatayo sa Flovi 8 dakong 10 ng gabi.

Nang makita ni Ricky Sierra, 44, ama ng isa sa dalawang bebot na hinahabol ang kanyang anak, agad niyang inawat ang mga suspek subalit, sa halip na makinig ay binugbog pa siya ng mga ito.

Tinangkang maglabas ng patalim si Cataga subalit kaagad siyang niyakap ni Sierra habang patuloy naman siyang sinusuntok ni Porccadilla.

Umawat din ang anak ni Sierra at si Valentino subalit, hinablot siya sa braso ni Porccadilla dahilan upang magtamo siya ng galos habang tumakas naman ang mga suspek matapos magsisigaw ng tulong ng mga biktima.

Humingi ng tulong ang mga biktima sa mga pulis na kaagad naman inatasan ni Col. Villanueva ang mga tauhaan ng SWAT team na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nakuha sa kanila ang isang improvised gun (sumpak) at dalawang kitchen knife.