May 17, 2024

3 ARESTADO SA TUPADA SA MALABON

Arestado ang tatlong katao matapos salakayin ng mga pulis ang isang illegal na tupadahan sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nadakip na sina Johnny Pedrosa, 49, helper, Mario Gencianos, 50, helper at Rainero Amarant, 52, driver, pawang ng Brgy., Catmon.

Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa isang Barangay Information Network (BIN) hinggil sa nagaganap na ilegal na tupada sa Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon.

Agad bumuo ng team ang mga operatiba at pinuntahan ng mga ito ang naturang lugar para alamin ang naturang ulat.

Pagdating sa lugar dakong alas-9 ng umaga, nakita ng mga pulis ang isang grupo na nagtu-tupada na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong katao kung saan narekober ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na mga manok na may tari at P1,200 bet money