April 29, 2024

27-anyos na tulak nabitag sa Pasig City

ARESTADO sa buy-bust operation ng Pasig police ang isang 27-anyos na lalake kaninang madaling-araw sa Bambang, Pasig City.

Ayon kay Pasig City Police Chief, PCol. Roman C Arugay, nahuli si alyas Boss sa  Balderama Street, Brgy. Bambang, Pasig City.

Nagkakahalaga ng ₱102,000 ang limang piraso ng plastic sachet ng bawal na droga na nasamsam sa suspek na residente ng San Lorenzo St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Ang suspek ay kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, nagbabala si Col Arugay sa mga sangkot sa bawal na droga sa lungsod.

“Pasig Police will continue its unwavering efforts to eradicate all forms of illegal drugs to fulfill its commitment towards a drug- free Pasig City through our continuous conduct of anti-illegal drugs operations,” ayon sa Chief of Police.