December 24, 2024

22 HOURS HIGH SCHOOL FOOTAGE NI KOBE BRYANT, ISUSUBASTA

LOS ANGELES — Ilalarga  sa isang action house Profiles in History ( sa Calabasas, isang pook sa labas ng Los Angeles), ang halos 22 oras na footage ng laro ng yumaong Los Angeles player na si Kobe Bryant; kung saan tampok ang kanyang mga naging laro at interviews noong siya ay nasa high school.

Ang footage ay mula sa media library ng Stu Ross, na gumawa ng “High School Sports Show,” isang syndicated weekly television series na ipinalalabas sa 35 na lungsod.

Halos mga nasa 60 porsiyento ng footage ng mga naging laro ni Bryant ang kinatatampukan ng laro niya sa Lower Merion Aces ng Philadelphia suburbs. Mayroong 130 oras ang Ross library tampok ang 700 atleta kung saan kabilang si LA Lakers star LeBron James, Tom Brady, Michael Phelps, Ryan Braun, Dwyane Wade at Shaquille O’Neal.

Ang naturang footage na isusubasta ay tinatayang nasa $250,000 to $350,000 dolyar ang halaga.Si Bryant ( tinaguriang ‘ Black Mamba) na ginugol ang buong paglalaro sa Lakers sa kanyang NBA career ay naging five-time NBA champion at 18-time time All-Star. Pumanaw siya sa edad na 41 dahil sa helicopter crash noong Enero 26, 2020.