May 17, 2024

2022 PVL OPEN CONFERENCE SEMIS SA MOA, JAMPACKED SA CROWD

Jampacked ang 2022 PVL Open Conference semis na idinaos sa MOA Arena kahapon. Kung saan, dinagsa ang Game 2 semifinals ng 16,687 spectators.


Kinumpirma mismo ito ng liga at matagumpay ang staging nito sa semis. Nag-enjoy ang fans sa mga laro. Unang naglaban ang Chery Tiggo Crossovers laban sa Black Mamba Army Lady Troopers. Tinalo ng una ang huli sa classification match.


Sinundan ito ng Creamline Cool Smashers kontra Choco Mucho Flying Titans. Winalis ng Creamline ang sister team sa apat na set. Dahilan upang pumalaot sila sa Finals.


Sa ikalawang laro, pumalag pa ang Petro Gazz Angels sa Cignal HD Spikers. Panalo ang Angels sa thrilling 5 set at naikasa ang rubber match ngayong araw.


Muling maghaharap ang dalawa sa Game 3 sa ganap na alas 6:00 ng gabi.