
SWAK sa selda ang dalawang tulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Atok”, 25, cook, at alyas “Buddy”, 50, kapwa ng Brgy. Longos.
Ayon kay Col. Baybayan, nakatanggap ng impomasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek na kapwa nasa kanilang drug watch list.
Nang magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, agad ikinasa ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang buy bust operation sa koordiansyon sa PDEA.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga tauhan ni Col. Baybayan dakong alas-9:50 ng gabi sa kanto ng P. Aquino Avenue at Kadima St. Brgy. Tonsuya.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P70,040 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 under Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Construction worker na nanloob sa bahay ng birthday celebrant sa Antipolo, kalaboso
MAYOR ISKO: PATULOY ANG ‘PALILIGO’ NG MGA KALSADA SA MAYNILA; CURFEW SA MINOR IPATUTUPAD
Mega Job Fair