May 16, 2024

2 tulak arestado sa mahigit kalahating milyong shabu

Tinatayang sa mahigit P5 Milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dalawang umano’y drug pusher matapos masakote sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan city.

          Sa ulat, alas-11:10 ng gabi nang masagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) kontra kay Edmundo Paes, 40, sa kanyang bahay sa Blk 15,Sawata, C3, Brgy 28, Caloocan City.

          Kaagad inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money.

          Nakumpiska sa suspek ang nasa 60 gramo ng shabu na tinatayang nasa P408,000.00 ang halaga, samartphone at buy-bust money.

          Bandang alas-1:30 naman ng madaling araw nang madakma din ng mga operatiba ng Caloocan Police StationDrug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo si Elmer Pangilinan alyas “Kuya”, 58, obrero matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money sa buy-bust operation sa Domato Ave., Phase 12, Brgy. 188.

          Narekober sa suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na tinatayang nasa P102,000.00 ang halaga at buy-bust money.