May 7, 2024

2 SUGAROL ARESTADO SA DROGA

Kalaboso ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga makaraang masakote nang mahuling nagsusugal sa  Palawan St., Brgy. Pitogo, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Maximo Caayoha, 53-anyos at Jennifer Juntado, 37-anyos, massage therapist.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PCpl Louie Lopez nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Makati City Police Station tungkol sa pagsusugal ng larong dice ng mga suspek.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar na itinimbre sa kanila kung saan  naaktuhang nagsusugal ng larong  dice ang mga suspek.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,400, isang pares na dice, at P180 na taya.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at PD 1602 o Illegal  gambling ang kasong isinampa laban sa mga suspek.