KULONG ang dalawang lola na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Elsie Torres alyas “Tom”, 61 at Merlinda Centones alyas “Merlin”, 57, kapwa ng Blk 10 Lot 4 Phase 2 Area 3, Brgy. Longos.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Daro na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Alexander Del Cruz ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa kanto ng Hito at Halaan Sts., Brgy. Longos dakong alas-11:10 ng gabi matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng mga ito.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang sachet ng umano’y shabu ay agad silang dinakip ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P103,040 ang halaga at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag