May 18, 2024

PSL Q’FINALS: DAVAO OCC.TIGERS COCOLIFE VS BORACAY ISLANDERS SA PAMPANGA

MAGIGING eksplosibo ang susunod na kabanata ng Pilipinas Super League Pro Second Conference sa pagratsada ng quarterfinal matches ayon sa ranking bukas sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando,Pampanga.

 Haharapin ng nasa no #2 spot na Davao Occidental Tigers Cocolife ang nasa #7 sa team standing na Boracay Islanders sa kanilang ikalawang face-to-face sa liga nauna ito noong kanilang pagtutuos noong opening ng liga.

Ang team Tigers na suportado nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay umiskor ng back- to – back victories kontra Pampanga Royce at Cabuyao Homelab upang makaseguro ng ikalawang puwesto sa team standing na pinangungunahan ng San Juan team ni Sen. Jinggoy Estrada.

Sasandig ang tropang Cocolife sa mga beterano at kabataang subok na sa bakbakan tulad nina ex- PBA John Wilson,Larry Rodriguez,Billy Ray Robles,Emman Calo,Robbie Celis,Bonbon Custodio at mga all around na sina Gab Dagangon,Kyt Jimenez at iba pang Tigers na nag- contribute sa pagbalikwas ng Tigers matapos lumasap ng kabiguan noong nakaraang Mindanao Tour opening sa balwarte nilang Davao.

Ang liga ay inorganisa nina PSL president CEO Rocky Chan katuwang si VP Ray Alao,basketball operations head Leo Isaac at Commisonner former – PBA at Gilas standout Mark Pingris.