May 19, 2024

2 Conference, target ikasa ng Premier Volleyball League

Ipinahayag ni Premier Volleyball League president Ricky Palou na target ng liga na magdaos ng two conference ngayong 2021.

Sa kanyang tinuran sa PSA forum, ang conferences ay  isasagawa via bubble type sa Calamba, Laguna.

Ang Open Conference ay  nakatakdang idaos sa May 8. Subalit, dahil sa kulang sa preparasyon, hiniling ng teams na iurong ang petsa nito.

Nais ng teams na gawin ang Open Conference sa bandang katapusan ng Mayo.

Nariyan din ang banta ng COVID-19. Kung saan, tumaas na naman ang cases sa bansa.

Kaugnay dito, hiniling ng liga na i-secure sila ng vaccine. Sa gayun ay  may proteksyon sila bukod sa pagsunod sa safety health protocols.

Ang Creamline Coolsmashers at nag-avail na ng vaccine sa otoridad. Kung saan, ipamamahagi rin ito  sa ibang players ng liga.