May 18, 2024

2 BABAENG WANTED SA NAVOTAS ARESTADO NG MARITIME POLICE

Dalawang babae na wanted dahil sa kasong illegal drugs ang nalambat ng mga tauhan ng Maritime police sa magkahiwalay na operation ang sa Navotas City.

Kinilala ang nadakip na si Lodivina Sarsali, 41, helper ng Market 3, NFPC Brgy. NBBN.

Dakong alas-4:35 ng hapon nang maaresto ng mga mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA kasama ang Navotas Police Warrant and Subpoena Section ang akusado sa Palengke St., NFPC, Brgy. NBBN.

Si Sarsali ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 15, 2021 ni Judge Pedro Dabu Jr., ng RTC Branch 286, Navotas City dahil sa kasong paglabag sa Sec. 15 Art. II of RA 9165.

Dakong alas-6:40 ng hapon nang maaresto din sa joint operation ng mga tauhan ng MARPSTA at Navotas Police Warrant and Subpoena Section si Annaliza Illut, 38 ng Isda Street, sa Palengke St., Brgy. NBBN.            

Si Illut ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong November 9, 2021 ni Judge Pedro Dabu Jr., ng RTC Branch 286, Navotas City dahil sa kasong paglabag sa Sec. 15 Art. II of RA 9165.