April 30, 2024

19th Asian Games Hangzhou Fun Run ng POC at OCA, Hayahay sa Tagaytay!

GINAWARAN ng medalya ni POC president Rep.Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang top finishers ng lumargang 19th Asian Games Hangzhou Fun Run kahapon sa Tagaytay City na sinaksihan ng mga kinatawan ng HAGOC at Olympic Council of Asia. ( Rosa May Liza Mayo)

SINALUBONG ng malamig na hamog ng umaga ang simbolikong pagratsada  ng 19th Asian Games Hangzhou Fun Run  na inilarga kahapon ng Philippine Olympic Committee( POC) katuwang ang mga bisita mula Olympic Council of Asia( OCA) at kinatawan ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee( HAGOC) kahapon sa Tagaytay City.

Higit sa 500 runners ang lumahok sa naturang ceremonial campaign na isang paraan ng promosyon sa Asiad na gaganapin sa Setyembre sa China.

“We are proud that the POC,Tagaytay City and the country have become part of the symbolic fun run that’s not only helps promote the Asian Games but also reiterate the Philippines very important and historic role why these very games were organized more than a century ago,” wika ni Tolentino , alkalde rin ng Tagaytay City.

Sumama  sa naturang kaganapan ang mga estudyante ng mga piling paaralan sa lungsod ang mga atleta ng bansa na medalists ng nakaraang Southeast Asian Games  Cambodia.

“Everything is perfect,Tagaytay is perfect for this fun run”,sambit ni Tolentino bago siya samahan ni HAGOC HR Director Chen Qiufang na i-flagoff ang mga funrunners ng 6 K,3 K at 1K categories.