May 15, 2024

150 solo parents nakatanggap ng tulong pinansyal sa Navotas

UMABOT sa 150 benepisyaryo ang nakatanggap ng P2,000 tulong pinansyal sa ilalim ng Saya ALL, Angat ALL Tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco para sa mga Solo Parents. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod ng Navotas. (JUVY LUCERO)