May 18, 2024

13TH GOLD MEDAL, NASIPA NI JAMES DE LOS SANTOS SA ATHLETES E- TILT

Nasipa ni world’s no.1 e-kata James De los Santos  ang 13th  gold medal nito. Muling siyang naghari sa 2nd leg ng Athlete’s E-Tournament.

Nakaharap niya ang pambato ng Switzerland at U.S.A. sa medal bout point system round.

Nakapagtala si James sa e-Kata Male Individual Seniors ng 82 points list (25.26). Samantalang 80 (24.6) ang nakuha ni Matias Moreno ng Switzerland. Habang si Alfredo Bustamante naman ng U.S ay 81 (24.2).

Nagwagi rin medalya ang kanyang mga estudyante sa MKKPI. Kabilang na rito si Christina Colonia, John Adonis Colonia at Julian Ian Marcos.

Si Christina ay nakapagtala ng 23.2 para kunin ang gold medal sa event . Si John naman ay nanalo ng silver sa pagtala ng (23.6). Habang si Marcos ay nakapagtala ng 22.92 sa pagsungkit sa bronze medal.